^

PSN Palaro

FEU, UST spikers unahang lumapit sa 3rd place

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

12:45 p.m.  UST vs FEU (3rd place V-League)

3 p.m.  NCBA vs EAC

 (3rd place  Spikers Turf)

 

MANILA, Philippines - Agawan sa mahala­gang 1-0 kalamangan ang mangyayari sa pagitan ng FEU Tamaraws at UST Tigresses sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-12:45 ng hapon magsisimula ang aksyon at ito ay susundan ng pagtututuos ng NCBA Wildcats at Emilio Aguinaldo College Generals sa battle-for-third sa Spi­kers’ Turf sa alas-3 ng hapon.

Walang itulak-kabigin sa FEU at UST dahil pareho silang maghahangad ng magandang pagtatapos sa di produktibong kampanya sa liga.

Ang Lady Tamaraws ay ang nagdedepensang kampeon pero hindi nakaporma ang koponan sa NU, ang tinalo para sa kampeonato noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng 2-0 sweep sa semifinals.

Sa kabilang banda, nais ng Tigresses na maiba­ngon ang puri matapos ilampaso ng Ateneo sa straight sets sa ikatlo at huling laro sa Final Four.

Bukas ay iinit pa ang aksyon sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera dahil magkukrus na ang landas ng Ateneo Lady Eagles at NU Lady Bulldogs sa Game One ng V-League Finals.

 

ACIRC

ANG

ANG LADY TAMARAWS

ATENEO LADY EAGLES

COLLEGIATE CONFERENCE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

GAME ONE

HOME ULTERA

LADY BULLDOGS

LARO NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with