^

PSN Palaro

Altas tinambakan ang Blazers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(The Arena, San Juan City

10 a.m.

 EAC vs Perpetual (Jrs)

12 nn SSC vs SBC (Jrs)

2 p.m.  EAC

vs Perpetual (Srs)

4 pm. SSC vs SBC  (Srs)

6 p.m. JRU U

vs Letran (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Naghatid uli si Earl Scottie Thompson ng triple-double para tulungan ang Perpetual Help Altas sa 70-47 panalo sa St. Benilde Blazers upang tumatag pa ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 21 puntos, 10 rebounds at 10 assists pa si Thompson para sa kanyang ikaanim na triple-double sa season at pa­ngatlo sa huling apat na laro upang lagukin ng Altas ang ika-10 panalo sa 14 laro.

“Siya ang leader sa team at ipinakikita naman niya ito sa kanyang laro,” wika ni Altas coach Aric del Rosario.

Nakatulong pa sa panalo ng Altas ay ang pinagsamang 21 puntos ng mga dayuhang manla­laro na sina Bright Akhuetie at Prinze Eze.

Nabiyayaan pa ang Altas dahil nasolo nila ang ikatlong puwesto nang magwagi rin ang Mapua Cardinals sa Arellano Chiefs, 81-76, sa ikalawang laro.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng host Mapua sa second round at pangalawa kahit wala sa ikalawang sunod na laro ang coach na si Fortunato Co.

Tinapatan ni 6’9  import Allwell Oraeme ang season-high 30 rebounds bukod sa paghatid ng 15 puntos habang sina Mark Brana at Justin Serrano ay nagsanib sa limang puntos para hawakan na ng Cardinals ang benahe sa laro, 69-66.

Sina Serrrano at Brana ay tumapos taglay ang 14 at 11 puntos habang si Exequiel Biteng ay mayroong 15 puntos para maisantabi ng Cardinals na kasalo ngayon ang Chiefs sa mahalagang ikaapat na puwesto.

Buhay pa rin ang laban ng Jose Rizal University Heavy Bombers matapos ipalasap sa Letran Knights ang kanilang kauna-una­hang magkasunod na kabiguan sa 86-80 panalo sa ikatlong laro.

Perpetual Help 70- Thompson 21, Akhuetie 11, Eze 10, Dagangon 9, Ylagan 8, Coronel 4, Sadiwa 4, Dizon 3, Oliveria 0, Tamayo 0.

St. Benilde 47- Grey 14, J. Domingo 12, Jonson 7, Ongteco 7, Saavedra 7, Nayve 0, S. Domingo 0, Deles 0, Sta. Maria 0, Castor 0, Dixon 0.

Quarterscores: 21-11; 40-19; 51-35; 70-47.

MAPUA 81 - Biteng 15, Orae­me 15, Serrano 14, Braña 11, Nieles 8, Menina 7, Que 3, Nimes 3, Raflores 3, Isit 2, .

ARELLANO 76 - Salado 17, Jalalon 16, Gumaru 13, Holts 9, Meca 7, Bangga 7, Cadavis 4, Nicholls 3, Capara 0, Enriquez 0,  Tano 0.

Quarters: 23-20, 33-43, 54-62, 81-76.

 

ACIRC

ALLWELL ORAEME

ALTAS

ANG

ARELLANO CHIEFS

BRIGHT AKHUETIE

DOMINGO

EARL SCOTTIE THOMPSON

LARO

SAN JUAN CITY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with