Petron sinibak ng Zhejiang
PHU LY, Vietnam -- Walang panama ang mga Blaze Spikers kontra sa mas matatangkad at mas malalakas na Chinese netters.
Tinapos ng Petron ang kanilang pool play mula sa nalasap na 14-25, 16-25, 20-25 pagkatalo sa Zhejiang ng China sa 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship noong Miyerkules ng gabi dito sa Ha Nam Competition Hall.
“The road to a better finish gets tougher from here,” sabi ni Petron coach George Pascua, ginagamit ang torneo para sa paghahanda ng Blaze Spikers sa Philippine Superliga Grand Prix na hahataw sa Oct. 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Nakatakda namang labanan ng Blaze Spikers, may 1-3 record ang Taiwanese sa knockout quarterfinals ngayon.
Tinapos ng Zhejiang, nagreyna sa nakaraang Chinese Volleyball League, ang kanilang laro ng Petron sa loob ng isang oras at dalawang minuto para manatiling walang talo sa torneong nagsisilbing qualifier para sa 2016 FIVB World Women’s Club Volleyball Championship.
Umabante ang Chinese sa quarterfinals bilang No. 1 team sa Pool B kasama ang Taiwan Power, hindi rin natalo sa Pool A.
- Latest