^

PSN Palaro

Ateneo, UE gustong maka-back-2-back

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kanilang unang pa­nalo ay inasahan ng Ateneo ang kanilang super­star, habang sinandigan ng Uni­versity of the East ang roo­kie guard nilang mula sa General Santos City.

Kumamada si Kiefer Ravena ng 24 points, 3 assists at 3 steals para tulungan ang Blue Eagles sa 84-60 paglampaso sa Adamson Falcons noong nakaraang Sabado.

Humugot naman si rookie guard Bonbon Batiller ng 14 sa kanyang 24 points sa third period para igiya ang Red Warriors sa 76-71 pagdaig sa nagdedepensang National University Bulldogs.

Muling sasandigan ng Ateneo si Ravena sa pagsagupa sa NU ngayong alas-4 ng hapon, samantalang aasahan ng UE si Batiller sa pagharap sa Adam­son sa alas-2 sa 78th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

“It was a really good win for us, especially for our own confidence,” sabi ni coach Bo Perasol sa kanyang Blue Eagles na nakahugot ng 12 kay Von Pessumal at 11 kay Aaron Black, anak ni PBA Grand Slam coach Norman Black.

Tatangkain naman ng Bulldogs na makabangon mula sa 0-2 panimula, ang huli ay nang matalo sa Red Warriors kung saan nalimitahan si import Alfred Aroga sa 8 points.

Sa nasabing kabiguan ng NU ni mentor Eric Altamirano ay nagposte si veteran guard Gelo Alolino ng 23 points, 5 rebounds at 4 assists, habang nag-ambag si Pao Javelosa ng 16 marker.

Kagaya ng Ateneo, puntirya rin ng UE ang kanilang ikalawang sunod na ratsada, habang asam ng Adamson na makuha ang una nilang panalo.

AARON BLACK

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ALFRED AROGA

ANG

ATENEO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

BONBON BATILLER

ERIC ALTAMIRANO

RED WARRIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with