Australyanong boksingero patay sa bakbakan nila ng Pinoy
MANILA, Philippines – Hindi nailigtas ng bell ang buhay ng isang Australyanong boksingero matapos mabugbog ng isang Pinoy fighter sa kanilang IBF super-featherweight regional title bout sa Australia.
Nakilala ang biktimang si Davey Browne Jr. na nagtamo ng brain injury matapos mabugbog ni Carlo Magali nitong Biyernes.
Napabagsak ni Magali si Browne sa 2:30 mark ng round 12 upang makuha ang titulo. Matapos mawalan ng malay ang Australyano ay hinimatay siyang muli dahilan para isugod sa Liverpool Hospital sa Sydney.
Kahapon lamang kinumpirma ng mga awtoridad sa Australia ang pagkamatay ni Browne.
Ikinalungkot naman ng ," Australian Boxing Federation (ABF) ang masalimuot na insidente.
"It's 30-odd years since we've had a fatality or a serious injury,"wika ni ABF president John McDougall . "It's tragic, tragic news.
"We did hear that he'd recommenced breathing on his own, and we were hoping and praying that that was a good sign, but this morning's news is shattering."
- Latest