^

PSN Palaro

Gilas, Baldwin pipiliting makuha ang Olympics slot

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa lamang ang nasa isip ni coach Tab Baldwin nang ipahawak sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Gilas Pilipinas.

Ito ay ang maibalik ang bansa sa aksyon sa Olympic Games matapos noong 1972 Munich Games.

“I want to bring home the gold so that the people in this country will be thrilled watching their team in the Olympics next year. That’s what I want to do. Anything else is secondary,” wika ni Baldwin noong Linggo sa pagtatapos ng kanilang 14 warm-up games para sa FIBA Asia.

Walong araw bago ang 2015 FIBA Asia Championship sa Changsa, China ay pipilitin ng Gilas Pilipinas na plan­tsahin ang mga bagay na kanilang magagamit sa kampanya.

Limang araw na mag-eensayo ang Nationals sa Hoops Dome sa Cebu para paghandaan ang kanilang mga estratehiya bago magtungo sa Changsa, China sa Lunes.

Nakatakda ang 2015 FIBA Asia Championship sa Sept. 23 hanggang Oct. 3 at isa ang Gilas Pilipinas sa 16 koponang mag-aagawan para sa nag-iisang Olympic slot.

Sinabi ni Baldwin na pinag-aaralan pa nila ang Asian Championship.

“This team is very, very new, very young team not in terms of age and experience but in terms of time together and training opportunities. And you can’t expect to have all the cohesion in the world and expect fluid basketball when that’s the case,” sabi pa ni Baldwin.

Ito ay ang krusyal na linggo kung saan sinabi ni Baldwin na ang kanilang mga ensayo ay magiging “high energy to high intelligence.”

Idinagdag pa ni Baldwin na wala siyang duda sa individual skills ng kanyang mga players, subalit ang paglalaro nila sa isang structured system ang kanyang ikinababahala.

Sinabi pa ni Baldwin na marami pa silang kailangang gawin sa Cebu. Patuloy na makakasama sa pagsasanay ng Final 12 sa Cebu sina Gary David at Troy Rosario. (NB)

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIAN CHAMPIONSHIP

BALDWIN

CEBU

CHANGSA

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

HOOPS DOME

ITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with