WPA 9-Ball Championship palaban pa ang Pinoy
MANILA, Philippines – Hindi nawala ang magandang laro na naipakita ni Raymund Faraon upang umabante na sa knockout round sa 2015 World 9-Ball Championship na ginagawa sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.
Unang tinalo si Francois Ellis ng South Africa , 9-3, isinunod ni Faraon si Pordel Mohammadali ng Iran, 9-4, para umabante mula sa winner’s bracket sa Group 4.
Hindi naman pinalad si Johann Chua na matapos manalo kay Ali Obaidly ng Qatar, 9-7, ay yumuko kay Abdulrahman Al Amar ng Kingdom of Saudi Arabia 7-9, para bu maba sa loser’s bracket.
Ganito rin ang sinapit ni Warren Kiamco na natalo kay Wojciech Szewczyk ng Poland, 5-9, matapos magwagi kay Vegar Kristansen ng Norway, 9-2.
Puwede pang madagdagan ang mga Pinoy na papasok mula sa winner’s bracket dahil lima pa ang lumalaban kagabi.
Nangunguna rito ang kasalukuyang World 8-Ball champion at SEAG gold medalist na si Dennis Orcollo bukod pa kina dating World number one player Carlo Biado, Antonio Gabica, Jeffrey Ignacio at Francisco Felicilda.
Tinalo ni Orcollo si Francisco Diaz Pizarro ng Spain, 9-4, sa Group 13, si Biado ay nangibabaw kay Fahad Kahlat ng Brunei, 9-6, sa Group 8, wagi ang dating Asian Games gold medalist at ngayon ay coach sa Qatar na si Gabica kay Omar Alsheen ng Kuwait, 9-3, sa Group 16, si Ignacio ay nagtagumpay kay Andreas Gerwen ng Sweden, 9-7, sa Group 15 at ang Qatar-based na si Felicilda ay nanalo kay Mohammad Berjaoui ng Lebanon, 9-7, sa Group 12.
Palaban pa rin sa loser’s bracket sina Lee Van Corteza nang nanalo kina Mohamed Al Hosaini ng UAE, 9-7, pero namaalam si Qatar-based Amir Rota na lumasap ng pangalawang pagkatalo kay Zhu Xi He ng China, 8-9.
- Latest