Takbo para sa Marikina Watershed kasado sa September 20
MANILA, Philippines - Itinutulak ni Marikina Mayor Del De Guzman ang bawat isa na tumulong sa pangangalap ng pondo para sa mga tree-planting activity sa watershed area sa Rodriguez, San Mateo, Antipolo at Baras sa Rizal.
Ang entry fee sa Takbo para sa Marikina Watershed ay nasa P600 at tatanggap ang mananakbo ng isang commemorative singlet kasama ang belt bag at headband.
Gaganapin sa Setyembre 20, Linggo ang karera at ito ay magsisimula sa alas-6 ng umaga sa Youth Camp ng Marikina River Park.
Ang mga distansyang paglalabanan ay nasa 3K, 5K at 10K at ang mga interesado ay maaaring magpatala sa mga registration sites na nasa Marikina Sports Center at Marikina City Hall (Community Relations Office at Office of the Mayor). Maaari ring magpatala sa registration booth sa SM Marikina, SM San Mateo, SM Masinag, CMP Mall, at Sta. Lucia East Grand Mall.
Ang kikitain ng proyektong ito ay mapupunta sa Marikina Watershed Green Foundation, Inc..
- Latest