^

PSN Palaro

Chiefs, Bombers umiskor din ng panalo Cardinals umeskapo sa Pirates

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(The Arena, San Juan City)

10 a.m.  St. Benilde

vs JRU (Jrs)

12 nn    Letran

vs Mapua (Jrs)

2 p.m.   St. Benilde

vs JRU (Srs)

4 p.m.   Letran

vs Mapua (Srs)

MANILA, Philippines - Isinantabi ng Mapua ang pagkawala ng ka­nilang coach na si Fortunato Co at sa halip ay nakitaan ng tibay ang mga manlalaro ng host school para itakas ang 70-66 panalo sa Ly­ceum sa 91st NCAA  men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nilisan ni Co ang court dahil sa technical foul bu­nga ng sobrang pagre­reklamo nang pituhan ng ikalima at huling foul ang import na si Allwell Oraeme sa huling 6:10 ng labanan.

Nanakot ang Pirates nang ang 10 puntos na kalamangan ng Cardinals ay tinapyasan sa tatlong puntos na lamang, 62-65.

Ngunit naroroon si JP Nieles para isalba ang ikaapat na sunod na panalo na nag-akyat din sa Cardinals sa 8-5 baraha.

“I’m proud of them because they did not give up,” wika ni Co na winalis ang series sa Pirates para tumibay ang paghahabol sa Final Four.

May 10 puntos si Nieles at kalahati rito ay ginawa matapos ang pananakot ng Pirates.

Nanguna sa Mapua si Justin Serrano sa kanyang 15 puntos, si Mark Brana ay may 10 at si Oraeme ay humablot ng 14 rebounds upang isama sa kanyang walong puntos para ipalasap sa Pirates ang ika-11 pagkatalo sa 14 laban.

Kumapit pa ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa ikaanim na puwesto (7-6) nang durugin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 87-64.

Si Mark Cruz ay naghatid ng 11 puntos sa first period tungo sa 25-7 kalamangan at hindi na nilingon ng Heavy Bombers ang kalaban.

Pinataob din ng Arellano Chiefs and San Sebastian Stags, 86-76, para hawakan ang ikatlong puwesto sa 10-4 baraha at sibakin na rin ang katunggali sa 3-10 karta.

Jose Rizal 87- Pontejos 21, Teodoro 13, Grospe 13, Cruz 11, Dela Paz 7, Estrella 6, Astilla 4, Abdul Wahab 4, Sanchez 3, Lasquety 2, Poutouochi 1, Balagtas 0.

EAC 64- Onwubere 21, Hamadou 10, Munbsayac 9, Mejos 8, Bonleon 7, Pascual 5, Corilla 2, Estacio 2.

Quarterscores: 25-7; 42-23; 68-48, 87-64.

Mapua 70- Serrano 15, Nieles 10, Brana 10, Oraeme 8, Menina 8, Isit 6, Que 6, Biteng 5, Aguirre 2.

Lyceum 66- Gabayni 21, Baltazar 14, Nguidjol 12, Ayaay 8, Marata 3, Bulawan 3, Malabanan 2, Soliman 2, Sunga 1, Mbida 0, Lugo 0.

Quarterscores: 25-12; 37-25; 58-45; 70-66.

ABDUL WAHAB

ACIRC

ALLWELL ORAEME

ANG

ARELLANO CHIEFS AND SAN SEBASTIAN STAGS

MAPUA

NBSP

NIELES

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with