^

PSN Palaro

Para malinis ang pangalan, rematch hirit ni Koncz

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakabuti para kay Floyd Mayweather Jr. ang harapin uli si Manny Pacquiao upang malinis ang kanyang pangalan na nadu­ngisan bunga ng pagsisiwalat na binigyan siya ng gamot para sa rehydration.

“Maybe the best thing for Floyd to do  is have a rematch with Manny,” wika ng adviser ni Pacman na si Michael Koncz sa panayam ni Dan Rafael ng ESPN.

Binigyan ang pound-for-pound king ng 750 milliliters ng saline at vitamins para sa rehydration. Hindi bawal ang mga ginamit pero kung ang pagtuturok nito kay Mayweather ang labag sa batas dahil maikokonsidera ito bilang isang performance-enhancing drugs.

Nagulat si Koncz sa pag­payag ng US Anti-Do-ping Agency (USADA) na bigyan ng ganitong lunas si Mayweather gayong hindi pinagbigyan ang kampo ng Pambansang Kamao ng anti inflammatory injection para maibsan ang pana­nakit ng kanang balikat.

Tiniis ni Pacman ang sakit sa kanilang mega fight noong Mayo 2 at dahil hindi magamit nang husto ang kanan kamao ay natalo siya sa pamamagitan ng unanimous decision.

Gusto naman ni Bob Arum ng Top Rank na im­bestigahan ang USADA dahil sa nangyari.

“USADA has a lot of explaining to do,” wika ni Arum sa ESPN. “I really think people have to look closely at USADA and investigate what’s going on with them.”

Nauna nang itinanggi ni Mayweather na gumamit siya ng illegal na pamamaraan at ang pinagbabasehan ay ang pagsang-ayon sa proseso ng USADA.

Ang paglabas ng kontrobersya kay Mayweather ay nangyari ilang araw bago harapin si Andre Berto sa Sabado (Linggo sa Pilipinas) at pakay niya ang ika-50 sunod na panalo.

ACIRC

ANDRE BERTO

ANG

BOB ARUM

DAN RAFAEL

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

MICHAEL KONCZ

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with