Romeo, Cabagnot pararangalan ng PBAPC
MANILA, Philippines - Hindi maaaring balewalain ang ipinakita nina Terrence Romeo ng Globalport at Alex Cabagnot ng San Miguel sa nakaraang PBA season.
Kikilalanin si Romeo bilang Scoring Champion at tatanggapin ni Cabagnot ang William ‘Bogs’ Adornado Comeback Player of the Year award sa annual PBA Press Corps (PBAPC) Awards Night sa Sept. 16 sa Century Park Hotel.
Sina Romeo at Cabagnot ay dalawa lamang sa mga nasa listahan ng awardees na pararangalan dahil sa mahusay nilang ipinakita sa huling season.
Pinangunahan ni Romeo ang lahat ng players sa scoring sa nakalipas na season mula sa kanyang 19.7 point average per game para palitan si Jason Castro ng Talk ‘ N Text bilang bagong scoring leader.
Ang Gilas Pilipinas stalwart ang top local scorer sa Commissioner’s Cup (20.8 ppg) at sa Governors’ Cup (22.2 ppg).
Muli namang nakuha ni Cabagnot ang kanyang porma matapos makuha ng Beermen mula sa trade sa Batang Pier sa kalagitnaan ng All-Filipino Cup.
Ang veteran Fil-Am guard ang naging susi sa paghahari ng San Miguel sa Philippine Cup at sa Governors’ Cup.
Itatampok sa programa sa alas-7 ng gabi ang pagbibigay ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year at sa Danny Floro Executive of the Year awards.
- Latest