^

PSN Palaro

Baldwin inobserbahan ang Iran sa nakaraang Jones Cup

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabi ni coach Tab Baldwin na gagamitin nila ang Iran bilang “benchmark” at umaasang mapapakina­bangan ang nabuong sa­ma­han ng Gilas Pilipinas para sa paghahanda sa 2015 FIBA Asia Championship.

Inobserbahan ni Baldwin at ng kanyang coaching staff ang paglalaro ng mga Iranians sa katatapos na 37th Jones Cup sa Taipei na pinagharian ng Middle Eastern powerhouse team.

Ang Iran ang isa sa paborito sa darating na FIBA Asian meet.

Nagdomina si 7-foot-2 Ha­med Haddadi sa 74-65 panalo ng mga Iranians sa Nationals sa Jones Cup.

“There were lessons in that game and we will use that game as a kind of a benchmark, and will use some of the tactics that we need to use against Iran,” sa­bi ni Baldwin.

“That game will feature a lot in our final week of preparations,” dagdag pa nito.

Inaalala ng American-New Zealander bench tactician ang depensa ng Iran.

“Their defense is so tough, we had trouble sco­ring with what we were run­ning and how we were running it,” ani Baldwin.

Iniisip din ni Baldwin ang paglalarong muli ni Andray Blatche sa Nationals.

Hindi sumabak ang 6-foot-10 naturalized player sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa Jones Cup.

ACIRC

AMERICAN-NEW ZEALANDER

ANDRAY BLATCHE

ANG

ANG IRAN

ASIA CHAMPIONSHIP

BALDWIN

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

MIDDLE EASTERN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with