^

PSN Palaro

UST nagparamdam agad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuksan ng UST ang kampanya para mabawi ang girls title sa 78th UAAP high school volleyball sa pamamagitan ng 25-15, 23-25, 25-7, 25-11 panalo sa UP Integrated School kahapon sa Adamson Gym.

Si Eya Laure ang nagdala ng laban sa Junior Tigresses na dinomina ang ikatlo at apat na set tungo sa 1-0 karta.

Naisuko ng UST ang kam­peonato sa huling season nang natalo sa National University.

Ang NU ay bye sa pag­bubukas ng liga at sasa­lang bukas sa ganap na alas-11 ng umaga kontra sa La Salle.

Nagwagi rin ang De La Salle Zobel sa FEU-Diliman, 25-17, 21-25, 25-21, 24-26, 15-13 habang na­naig ang UE sa Adamson, 25-20, 25-17, 24-26, 25-22.

Nagwagi rin ang Ateneo sa UPIS, 25-14, 25-19, 25-15 sa pagsisimula ng boys division.

Straight sets panalo rin ang naitala ng NU sa FEU-Diliman, 27-25, 25-21,25-20  habang bumangon ang UST mula sa pagkatalo sa opening set para sa 22-25, 26-24, 25-13, 25-23, tagumpay sa De La Salle-Zobel.

Ang UE na nagbabalak na kunin ang ika-12 sunod na kampeonato sa boy’s division ay magbubukas ng kampanya bukas laban sa NU sa alas-3:30 ng hapon.

ACIRC

ADAMSON GYM

ANG

DE LA SALLE ZOBEL

DE LA SALLE-ZOBEL

DILIMAN

INTEGRATED SCHOOL

JUNIOR TIGRESSES

LA SALLE

NAGWAGI

NATIONAL UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with