^

PSN Palaro

Lions lider na uli

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

8 a.m  Letran vs Lyceum (Jrs)

10 a.m.  EAC vs St. Benilde (Jrs)

12 nn  Letran vs Lyceum (Srs)

2 p.m.  EAC vs St. Benilde (Srs)

4 p.m.  Perpetual Help vs Arellano (Srs)

6 p.m.  Perpetual Help vs Arellano (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Hindi naawat si Ola A­deogun matapos lumamang ang Jose Rizal University Heavy Bombers para balikatin ang San Beda Red Lions sa 83-75 panalo at solohin ang lide­rato sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Naghatid ang 6’8 na si  A­deogun ng 11 puntos sa mahalagang 15-2 palitan matapos lumamang ang Heavy Bombers sa 69-67, upang mailista ng 5-time defending champion Red Lions ang ika-10 panalo matapos ang 12 laro.

Tumapos si Adeogun tangan ang 23 puntos mula sa 6-of-7 shooting at hu­mablot pa ng 12 rebounds upang suportahan ang impresibong 26 puntos, 15 rebounds at 10 assists triple-double marka ni Arthur dela Cruz.

Nagpaganda pa sa panalo ng Red Lions ay ang pagbabalik matapos ang dalawang buwang pamamahinga dahil sa right shoulder injury ni Baser Amer.

Balikatan ang nangyari sa unang mga yugto pero walang naitapat ang Heavy Bombers kay Adeogun para lasapin ang ikalimang pagkatalo matapos ang 11 laro.

Hindi nakatulong ang paglisan ni Abdouladif Poutouochi sa huling limang minuto ng bakbakan dahil sa putok sa bibig nang hindi sinasadyang nasiko ni Adeogun sa isang rebound play.

Nauna rito, kumana ng 18 puntos sa kanyang pagbabalik mula sa hamstring injury si Josan Nimes para pamunuan ang host Mapua Cardinals sa 87-78 panalo sa San Sebastian Stags.

Ito na ang ikalawang dikit na panalo ng Cardinals para sa 6-5 karta at makatabla ang JRU sa ikaapat na puwesto.

Mapua 87- Nimes 18, Oraeme 11, Nieles 10, Menina 10, Brana 10, Biteng 9, Que 7, Aguiire 6, Serrano 4, Raflores 2, dela Rosa 0.

San Sebastian 78- Ortuoste 23, Costelo 15, Ca­lisaan 13, David 10, Fabian 8, Guinto 7, Santos 2, Sibal 0, Pretta 0, Bulanadi 0, Vera 0

Quarterscores: 23-27; 45-43; 67-57; 87-78.

San Beda 83- dela Cruz 26, Adeogun 23, Tankoua 10, Sara 8, Koga 5, Soberano 4, Tongco 3, Cabanag 2, Mocon 2, Amer 0, Bonsubre 0, Presbitero 0, Solera 0.

Jose Rizal 75- Pontejos 19, Teodoro 16, Grospe 10, Lasquety 7, Poutuouchi 6, Cruz 4, Abdul Wahab 4, dela Virgen 3, Sanchez 3, dela Paz 2, Astilla 1, Balagtas 0.

Quarterscores: 21-16; 36-32; 64-60; 83-75.

ACIRC

ADEOGUN

ANG

CRUZ

HEAVY BOMBERS

NBSP

PERPETUAL HELP

RED LIONS

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with