Meralco/MVPSF jin wagi ng bronze sa World Cadet Championship
MANILA, Philippines – Hindi uuwing luhaan ang Phl taekwondo team na isinali sa World Cadet Championships sa Muju, Korea nang manalo ng bronze medal si Wendil Jay Rama na ginawa kamakailan.
Si Rama ay nagwagi sa Brazilian at Palestinian jins, 13-0 at 10-4, para pumasok sa quarterfinals at tinalo niya rito ang isang Aleman,18-8.
Ngunit kinapos siya kay Amir Valipour ng Iran sa semifinals, 5-9, para makontento sa tansong medalya.
“He did very well and made our country proud,” wika ni Igor Mella, ang head ng Philippine delegation na suportado ng Meralco/MVP Sports Foundation.
Ang iba pang kasali ay sina Matthew John Ongtangco, Dineson Wilrej Caneda, Arjan Deandre, Calimon, Marco Antonio Rubio, Rohann Josh Mendoza, Ejay Dongbo (male), Royda Jane Ranile, Anne Sharmaine Albarracin, Allysia Louise Caabay, Camille Andrea Miraflores, Josea Dizon, Gilwel Ann Jynamac Irang, Shaira, Isabel Garbanzos at Karina Marie Uy (female).
Ang delegasyon ay suportado rin ng SMART, PLDT, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Samantala, inanunsyo ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na puwedeng mapanood ang highlights ng mga 2015 tournaments sa PTA-Yput Tube channel.
- Latest