PSL swimmers lalangoy sa Singapore Midget
MANILA, Philippines – Sa hangaring ipagpatuloy ang pagbibigay ng tsansa sa mga mahuhusay na swimmers ay maglalahok ang Philippine Swimming League (PSL) ng delegasyon sa 2015 Singapore Midget Swimming Championships mula Setyembre 12 hanggang 13.
Nasa 31 swimmers na ang edad ay anim na taon hanggang siyam na taon, ang kasama sa pangunguna nina Micaela Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque at Marc Bryan Dula ng Weisenheimer Academy.
Sina Mojdeh at Dula ay sumali sa 2015 Singapore Invitational Swimming Championships noong Agosto 2 at 3 at ginawaran ng Most Outstanding Swimmers sa kanilang mga dibisyon.
Pitong bansa ang inaasahang magtatagisan sa kompetisyon at bukod sa host Singapore at Pilipinas, inaasahang sasali rin ang China, Vietnam, Thailand, Malaysia at Brunei Darussalam.
“This is a mixture of veteran and newcomers in international tournaments. While winning medals is our thrust, we are also looking at investing in the future of these young swimmers,” wika ni PSL president Susan Papa.
Sina Aubrey Tom at Rafael Lentejas III ang iba pang beterano dahil naglaro na sila at nanalo ng medalya sa 2015 Phuket Invitational Swimming Championships noong Mayo at 2014 Royal Bangkok Meet noong Disyembre ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang kasama ay sina Ethan Gabriel, Asha Segotier, Julyianna Calibjo, Khrystian Tan, Michael Samaniego, Mykel Cuasay, Rodolf Rasay, Julia Basa, Chloe Laurente, Rex Dela Cruz Jr., Alexa Larrazabal, Amdre Dela Cruz, Mikyla Guzman, Tiffany Sanchez, Gian Banas, Morie Pabalan, Louise Famanilla, Venice Villarasa, John Bautista, Victor Cabrera, Chelsea Pastolero, Nicole Camacho, Janine Consul, Justin Badion, Allen Conda, Joshua Camacho at Prince Angeles
Sa huling Singapore meet na sinalihan ay umani ang PSL delegation ng 36 ginto, 50 pilak at 31 bronze medals at kahit walang ibinigay na prediksyon sa makukuhang medalya sa gagawing kompetisyon ay tiyak na hindi uuwing walang dala ang delegasyon.
- Latest