Lady tams iiwas sa Lady Eagles
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
12:45 p.m. FEU vs Ateneo
3 p.m. La Salle-Dasma
vs Arellano
MANILA, Philippines - Gagawin ng nagdedepensang kampeon FEU ang lahat ng pamamaraan para putulin ang pagpapanalo ng Ateneo upang makatiyak na ng puwesto sa susunod na round sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.
May 4-1 karta ang Lady Tamaraws para makasalo sa mga pahingang National University Lady Bulldogs at UST Tigresses pero kung magwagi sila sa Lady Eagles sa unang laro sa ganap na alas-12:45 ng hapon ay hindi lamang sila kakalas sa tabla kungdi magiging ikalawang koponan na nakaabante na sa semifinals.
Magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon ang Arellano Lady Chiefs at La Salle-Dasmariñas Lady Patriots at balak ng una ang magpatuloy ang laban para sa huling upuan sa Final Four.
Nasa ikalimang puwesto ang Lady Chiefs sa 2-3 karta pero puwede pa silang umabante kung maipanalo ang huling dalawang laro at isa sa NU, FEU at UST ay matalo sa kanilang huling laro.
Magkakaroon ng playoff kapag nagkaroon ng tabla para sa ikaapat at huling puwesto papasok sa Final Four ang Arellano sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.
Nasa itaas ang Ateneo sa 5-0 karta dahil sa pagtaas ng laro ni Alyssa Valdez na siyang leading scorer sa liga sa 124 puntos mula sa 101 kills, 14 aces at 9 blocks.
Ang maganda sa Lady Eagles ay may sumusuporta kay Valdez tulad nia Jhoanna Maraguinot at Bea De Leon na nasa ikapito at ika-22nd sa pagpuntos sa 95 at 58 total points.
Handa namang tapatan ang lakas ng katunggali sa pagtutulungan ng mga inaasahan sa FEU na sina Bernadeth Pons, Remy Palma at mga guest players na sina Jovelyn Gonzaga at Honey Royse Tubino.
Ang Ateneo at FEU ang number two sa spiking pero pumapangalawa ang Lady Tamaraws sa blocking at digging bukod pa sa number one sa serve na kanilang magagamit para makuha ang mahalagang panalo.
- Latest