Marcial umabante sa 2nd round
BANGKOK-- Sa kanyang mas mahabang braso at solidong kredensyal ay ganap na dinomina ni Filipino bantamweight Eumir Felix Marcial si Uulu Erkinbek Bolotbrk ng Kyrgyzstan sa pagsisimula ng ASBC Asian Boxing Championships kahapon dito sa Thammsat University Gymasium.
Kinuha ng 19-anyos na si Marcial ang malinis na 3-0 panalo laban kay Bolotbrk para umabante sa second round ng kanyang dibisyon.
“First sparring,” sambit ni Marcial, ang gold medalist noong 2011 World Junior Championships at sa nakaraang 2015 SEA Games.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng five-man squad ng Association of Boxing Alliances in the Philippines matapos ang 3-0 tagumpay ni bantamweight Mario Fernandez, ang gold medalist sa 2015 SEA Games, kay Reza Korzbori ng Iran.
Susunod na makakaharap ni Marcial ay si second seed Israil Madrimov ng Uzbekistan sa round-of-16 bukas, habang lalabanan ni Fernandez si Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan.
Ang top six o seven boxers sa bawat 10 weight classes ang aabante sa AIBA World Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre kung saan naman pag-aagawan ang mga tiket sa 2016 Rio Olympics.
- Latest