^

PSN Palaro

Sports Academy sa Davao itatayo na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi magtatagal at kikilalanin ang Davao Region na pinamumugaran ng mga mahuhusay na atleta na puwedeng magbigay ng karangalan sa Pilipinas sa malalaking kompetisyon na sinasalihan ng bansa.

Pinirmahan na ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang Republic Act No. 10674, isang batas na nagbibigay karapatan sa pagpapatayo ng Davao Del Norte Regional Sports Academy sa makabagong Davao Del Norte Sports and Tourism Complex.

Naipasa ito ng Senado at Kongreso noong Hunyo 10, ang dokumento  na pirmado ng Pangulo ay naihatid na sa Philippine Sports Commission (PSC) mula sa Office of the President noong Lunes (Agosto 24).

Ang Provincial Govern­ment ng Davao Del Norte ang pangunahing mamamahala sa Academy at siyang magpopondo sa mga kakailanganing pasilidad o kagamitan.

Ngunit makakatulong nila ang PSC at ang De­part­­ment of  Education para sa pagporma ng training ng mga atleta at pag-aaral ng mga ito.

Si Davao Del Norte 1st District Congressman Anthony del Rosario ang nagsusog sa Kongreso ng nasabing batas noong pang Abril 21, 2014 dahil sa nakitang panga­nga­ilangan na mabigyan ng pagkakataon ang mga mahuhusay na atleta sa kanyang nasasakupan na mabigyan ng pagkakataon na makapagsanay nang maayos ng hindi pumupunta sa Maynila.

Nagagalak din si PSC chairman Ricardo Garcia sa pagkakapasa ng batas at nananalig na tutularan ito ng iba pang probinsya para dumami ang maipapata­yong Sports Academy na makakatulong para tumaas pa ang lebel ng palakasan sa bansa. (AT)

ACIRC

ANG

ANG PROVINCIAL GOVERN

BENIGNO AQUINO

DAVAO DEL NORTE

DAVAO DEL NORTE REGIONAL SPORTS ACADEMY

DAVAO DEL NORTE SPORTS AND TOURISM COMPLEX

DAVAO REGION

DISTRICT CONGRESSMAN ANTHONY

KONGRESO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with