^

PSN Palaro

Pinoy cyclists papadyak sa World Championship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagawa ng kasaysa­yan ang Philippine Cycling sa pamamagitan ng pag­lahok sa World Cycling Championship mula Set­yembre 20 hanggang 27 sa Richmond, Virginia, USA.

Nagkaroon ng pagka­kataon ang bansa na makapagpadala ng kopo­nan sa prestihiyosong torneo sa bisikleta matapos masama sa unang pitong bansa sa Asya.

Binilang ang mga UCI points ng mga siklistang sumali sa mga UCI-sanctioned events at ang bansa ay nasama sa Kazakhstan, Korea, Iran, Japan, Hong Kong at Lebanon na pumasa sa World event.

Ang men’s under-23 ang balak isali at sila ay makikipagtuos sa mga bigating siklista sa buong mundo.

Sina John Mark Cami­ngao, Rustom Lim, Ronald Lomotos at Dominic Perez ang mga pinagpipilian para ipadala sa nasabing torneo.

Nagpasabi na ang LBC at Standard Insurance ng kahandaan na tumulong sa gastusin ng delegasyon ngunit hinihingi pa ng PhilCycling ang tulong galing sa Philippine Sports Commission (PSC) para ituloy ang plano sa paglahok.

Para makapasok sa 2016 Olympics, dapat tumapos ang Pilipinas sa unang apat na puwesto sa Asian rankings.

Nasa ikaanim sa nga­yon ang Pilipinas bitbit ang 223 puntos habang ang mga nasa unahan ay ang Iran (1337), Kazakhs­tan (460), Japan (448), Hong  Kong (238) at Korea (276). (AT)

ACIRC

ANG

DOMINIC PEREZ

HONG KONG

PHILIPPINE CYCLING

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

RONALD LOMOTOS

RUSTOM LIM

SHY

SINA JOHN MARK CAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with