^

PSN Palaro

Rosario sa Texters na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kagaya ng inaasahan, pumasok ang Talk ‘N Text sa isang three-team, five-player trade para makuha si No. 2 overall pick Jeth Troy Rosario mula sa Mahindra (dating Kia).

Nahugot kahapon ng Tropang Texters ang 6-foot-6 na si Rosario mula sa Mahindra kapalit nina sophomore guard Kevin Alas at veteran forward Rob Reyes.

Ibinigay naman ng Mahindra ni playing coach Manny Pacquiao si Alas sa NLEX Road Warriors na ipinalit sina shooters Niño Canaleta at Aldrech Ramos.

Ang NLEX ay sister team ng Talk ‘N Text at Meralco.

Ang naturang mga palitan ng Tropang Texters, Mahindra at Road Warriors ay inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Bago pa man ang 2015 PBA Rookie Draft noong Linggo ay ipinaramdam na ng Talk ‘N Text ni coach Jong Uichico ang kagustuhang makuha si Rosario para itambal kay No. 1 overall selection Moala Tautuaa.

Sina Tautuaa at Rosario ay miyembro ng training pool ng Gilas Pilipinas na sumabak sa nakaraang mini tournament sa Estonia.

Gumawa ng pangalan si Rosario nang pangunahan ang National University Bulldogs sa kampeonato ng nakaraang UAAP season.

Naging susi rin si Rosario sa pag-angkin ng Gilas Cadets team ni coach Tab Baldwin sa gold medal ng nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Samantala, nakuha naman ng Barako Bull sina guards Josh Urbiztondo, Eman Monfort at Jens Knuttel mula sa Barangay Ginebra kapalit ni small forward Nico Salva at ng first round pick ng Energy sa 2016.

Ang pagpapakawala ng Gin Kings ni coach Tim Cone kina Urbiztondo, Monfort at Knuttel ay bilang paghahanda sa pagdating ni No. 5 overall pick Earl Scottie Thompson ng Perpetual Altas.

Nasambot din ng Barako Bull si guard Jeric Fortuna mula sa San Miguel at dinala si guard Brian Heruela, unang naglaro para sa Blackwater, sa Beermen.

Samantala, sisimulan ngayong araw ni  Tautuaa ang inisyal na pakikipag-usap sa Talk ‘N Text management para sa posibleng pormalisasyon ng three-year deal na nagkakahalaga ng P8.55 milyon.

Mag-uusap sina Tautuaa at team manager Virgil Villavicencio sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng Ateneo campus kung saan ipapakilala ang Chadron State University stalwart sa mga Tropang Texters.

Pumirma na sina Larry Fonacier at Harvey Carey ng three-year, P9.6 million contract at two-year, P4.8 million deal, ayon sa pagkakasunod.

Pumayag naman si Kelly Williams para sa isang one-year contract extension na nagkakahalaga ng P5.04 milyon.

ALDRECH RAMOS

ANG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BRIAN HERUELA

CHADRON STATE UNIVERSITY

COMMISSIONER CHITO NARVASA

MAHINDRA

N TEXT

ROAD WARRIORS

TROPANG TEXTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with