Baldwin umaasa pa rin kay Clarkson
MANILA, Philippines – Umaasa si Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na kaagad nilang malalaman kung maaaring maglaro si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Los Angeles Lakers sa 2015 FIBA Asia Championships para makasama siya sa training ng National team.
Inaalala ni Baldwin na baka ito makagulo sa pagsasanay ng training pool kung hindi nila agad makukuha ang desisyon ng FIBA Asia.
“To have a player of his caliber is a great thing but the timing of when it comes in, it’s another disruption on the other side. So the sooner for me, the better, if he’s gonna be part of the program and indoctrinate him into what we’re trying to do,” sabi ni Baldwin sa News5.
Habang wala pang katiyakan kung papayagan ng international basketball federation, sinabihan ni SBP executive director Sonny Barrios ang national coach ng “to play with the cards on the table.”
Isinama ang pangalan ni Clarkson, isang incoming sophomore guard ng Lakers, sa 24-player lineup na isinumite ng SBP para sa 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China sa susunod na buwan.
Hindi pa matiyak ng SBP kung si Clarkson ay magiging eligible para maging regular member ng Gilas Pilipinas o bilang naturalized player sa ilalim ng bagong FIBA rules.
Ang isang national team ay pinapayagang magkaroon ng isang naturalized player sa mga FIBA competitions.
Si Andray Blatche ay isang naturalized player ng Gilas bukod pa kay reserve Moala Tautuaa.
- Latest