World Balance susuporta sa Barangay Ginebra
MANILA, Philippines – World Balance-- isa sa mga pinakasikat na active lifestyle brand ng footwear at apparel sa bansa, ay nakipagkasundo para sa isang matibay na samahan kasama ang pinaka-popular na team sa PBA--ang Barangay Ginebra para sa darating na 41st season ng PBA.
Sa pamamagitan ng “Never Say Die” spirit nito na umaabot sa malaking bahagi ng basketball world, ang Ginebra ay itinuturing ngayon na pinaka-iginagalang at tinutularang ballclubs sa Philippine basketball.
“Para sa brand na naging matagumpay laban sa malawak na kumpetensiya, ang partnership na ito ay masasabing napapanahon dahil naniniwala rin kami sa ‘Never-Say-Die” spirit ng Barangay Ginebra,” pahayag ni Barnaby Chong, General Manager ng World Balance International, Inc.
Itinayo nung 1979 bilang isang expansion team, ang Barangay Ginebra ay umukit ng reputasyon sa Philippine basketball sa tulong ng passionate fan base, walang katulad na game day experience at natatanging listahan ng mga manlalaro.
- Latest