^

PSN Palaro

Sa AFF U-19 Championship: Philippine booters tiwalang papasok sa semifinals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mataas ang kumpiyansa ng National U-19 men’s football team sa tsansang umabot sa semifinals sa Asean Football Federation (AFF) U-19 Championship sa Vientiane, Laos.

Mga manlalarong nakasama sa National U14 at U16 ang hinugot at pina­lakas pa sa pagpili ng mga mahuhusay na booters  na naglaro sa Palarong Pambansa para balikatin ang laban ng bansa sa kompetisyong mula Agosto 22 hanggang Setyembre 5.

Sa sendoff ceremony na ibinigay ng Philippine Football Federation (PFF) sa Shakey’s Harizon Plaza noong Miyerkules ng gabi, ginarantiya ni coach Dan Padernal na palaban ang koponan matapos ang limang linggong pagsasanay na kinatampukan ng pagdaraos ng mga tune-up games hindi lamang sa mga paaralan kungdi pati sa mga club teams na Global FC at Stallion FC.

“This is a happy mix of players from Manila and from the provinces. Most of them have played for the U14 and U16 and their experience competing outside the country will help the team,” wika ni Padernal.

Sampung bansa ang magtatagisan sa kompetisyon at ang Pilipinas ay nakasama ang malakas na Thailand, Brunei, Cambodia at host Laos. Ang kabilang grupo ay binubuo  ng Vietnam, Myanmar, Singapore, Malaysia at Timor Leste.

Unang laro ng Pilipinas ay laban sa Brunei sa Agosto 22 bago sundan ng tagisan kontra Thailand sa Agosto 26, Cambodia sa Agosto 27 at Laos sa Agosto 30.

Ang mangungunang dalawang koponan sa bawat pangkat ay papasok sa semifinals.

Kinatawan sa seremon­ya ng PFF si secretary-ge­neral  Edwin Gastanes  at iginiit na ang pagpapa­dala ng koponan sa ilang mga kompetisyon ay bahagi ng plano ng  NSA  para ma-expose ang mga  manlalaro at makita kung saan na ang antas ng football sa ganitong age brackets.

Ang AFF tournament ay magsisilbing tune-up ng U19 team dahil kasali rin sila sa mas mabigat na 2016  AFC U-19 Championship Qualification sa Laos mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 6.

Umalis kahapon ang delegasyon para magkaroon ng panahon na makapagsanay sa pagla­laruang pitch.

ACIRC

AGOSTO

ANG

ASEAN FOOTBALL FEDERATION

BRUNEI

CHAMPIONSHIP QUALIFICATION

DAN PADERNAL

EDWIN GASTANES

HARIZON PLAZA

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with