^

PSN Palaro

Tiniyak ng POC: Cray palaban sa Rio Games!

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakaasa na preparadong-preparado si Fil-Am runner Eric Cray para sa 2016 Rio Olympics.

Ito ay dahil ibinigay ng Philippine Olympic Committee (POC) ang suportang idinulog niya para sa paghahanda sa pinakamalaking kompetisyon na haharapin ng bansa sa susunod na taon.

“Sumulat na si POC president Jose Cojuangco Jr. kay PSC chairman Ricardo Garcia para i-endorse ang recommendation sa pagsuporta kay Cray,” wika ni Romy Magat, ang Philta secretary general na siyang cluster head ng athletics sa POC.

Hindi bababa sa 17 competitions ang sasalihan ni Cray sa pagpasok ng 2016 hanggang sapitin ang Rio Games. Bago ito ay may dalawang kompetisyon muna siyang sasabakan sa taong ito na  World Championships sa Beijing, China mula Agosto 22 hanggang 30 at ang Thailand Open sa Setyembre 6 hanggang 9.

Si Cray ang kauna-unahang atleta ng Pilipinas na nakapasok na sa Olympics  sa larangan ng 400m hurdles.

“Humingi na ang POC sa PSC ng supplemental budget na $36,410 (halos P1.5 milyon) para sa pagsali niya sa dalawang tournaments bago matapos ang taon. Sa 2016 ay nasa $66,330.00 (halos P3 milyon) ang kailangan niya para sa 17 competitions pero hindi na ito supplemental budget dahil puwede na ito isama ng PATAFA para sa kanyang 2016 budget from the PSC,” paliwanag pa ni Magat.

Sa 17 torneo na sasalihan, walo rito ay gagawin sa Europe, tig-apat ang gagawin sa US at Asia at isa sa Qatar.

Malaki ang paniniwala ng mga sports officials na may laban sa medalya si Cray dahil may sapat siyang oras para pababain ang personal best na 49.12 segundo sa distansya.

Noong nakaraang linggo ay dumating sa Pilipinas ang 27-anyos na si Cray at sinabing  target niyang pababain ang oras sa 48 seconds sa World Championships.

ANG

ERIC CRAY

JOSE COJUANGCO JR.

PARA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS

RICARDO GARCIA

RIO GAMES

RIO OLYMPICS

ROMY MAGAT

WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with