^

PSN Palaro

Milo Little Olympics dadayo sa Laguna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang probinsya ng Laguna ang mamamahala para sa 28th Milo Little Olympics National Finals sa Oktubre 23-25 sa Laguna Sports Complex sa Sta. Rosa.

Bukod sa National Finals, pangangasiwaan din ng Laguna ang National Capital Region-South Luzon leg sa Agosto 28-30, ayon kay Milo Sports Executive Robbie de Vera.

“We’re happy to partner with the province of Laguna this year as our host of not just one, but two events inclu­ding the National Finals this October in Sta. Cruz,” wika ni De Vera sa event launch kahapon sa Shakey’s Malate.

Nakasama ni De Vera sa okasyon sina Milo executive Andrew Neri, Vincent Soriano at Von Cruz ng Laguna at NCR Little Olympics director Robert Calo.

Apat na regional legs ng annual event ang inilatag kung saan ang una ay pakakawalan sa Cagayan De Oro sa Agosto 21-23 kasunod sa Santa Rosa, Laguna sa Agoto 28-30.

Ang third leg ay nakatakda sa Setyembre 4-6 sa Baguio City at ang fourth leg ay gagawin sa Setyembre 11-13 sa Iloilo.

Ang lahat ng gold medallists sa apat na elimination legs ang kakatawan sa kanilang mga rehiyon sa National Finals sa Sta. Rosa, Laguna sa Oktubre 23-25.

Ang mga events na nakahanay sa Milo Little Olympics ay ang athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, sepak takraw at scrabble. Magi­ging demo sports naman ang arnis at karatedo. (RC)

ACIRC

AGOSTO

ANDREW NERI

ANG

BAGUIO CITY

CAGAYAN DE ORO

DE VERA

LAGUNA

LAGUNA SPORTS COMPLEX

LITTLE OLYMPICS

NATIONAL FINALS

SANTA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with