^

PSN Palaro

Santos, Cabagnot pinapirma uli ng San Miguel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa kanilang kontribusyon sa paghahari ng Beermen sa nakaraang PBA Philippine Cup at Governor’s Cup ay binigyan ng San Miguel sina Arwind Santos at Alex Cabagnot ng tig-three-year contract-extension deal.

Ang kontrata nina Santos at Cabagnot ay nagkakahalaga ng P15.1 milyon.

Pumirma rin ng mga kontrata sina Dondon Hontiveros para sa Alaska at power forward Ian Sangalang sa Star ilang araw bago ang 2015 PBA Rookie Draft.

Nilagdaan ni Sanga­lang, nagmula sa ACL surgery na nagpaupo sa kanya sa halos kabuuan ng nakaraang 40th PBA season, ng maximum deal para sa kanyang ikatlong taon sa liga.

Tatanggap naman ang 38-anyos na si Hontiveros ng P420,000 kada buwan para sa kabuuang P5.04 milyon sa loob ng tatlong taon.

Pumirma rin ng kontra­tang higit sa P300,000 bawat buwan sina Alaska forward Vic Manuel (dalawang taon) at Willy Wilson (isang taon) ng Barako Bull.

Binigyan naman si Dave Marcelo, ang da­ting NCAA MVP awardee mula sa San Beda, ng one-year extension ng Ginebra na may monthly pay na P200,000.

Halos P200,000 a month deal din ang nakuha nina Ginebra guard Josh Urbiztondo, Barako Bull forward Nico Salva at Meralco center Justin Chua.

Bukod naman sa buwanang P100k ay tatanggap din sina LA Revilla at Mark Yee ng isang kotse at condominium unit sa Kia.

Muling binigyan ng kon­trata ng Blackwater sina Jason Ballesteros at Bambam Gamalinda na nagkakahalaga ng P1.44 milyon at P1.2 milyon, ayon sa pagkakasunod.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ARWIND SANTOS

BAMBAM GAMALINDA

BARAKO BULL

DAVE MARCELO

DONDON HONTIVEROS

GINEBRA

IAN SANGALANG

JASON BALLESTEROS

JOSH URBIZTONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with