^

PSN Palaro

Gilas mapapalaban sa mas matatangkad na karibal sa Estonia

NBeltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalabanan ng Gilas Pilipinas ang Estonia, Netherlands at Iceland sa isang pocket three-day tournament sa Estonian capital city ng Tallinn sa Aug. 20-22 bilang paghahanda sa paglahok sa FIBA EuroBasket na pamamahalaan ng Croatia, France, Germany at Latvia sa Sept. 5-20.

Paiinitin ng mga Estonians at Dutch ang kanilang pagbabalik sa EuroBasket matapos ang ilang taon na hindi paglahok, habang gagawin ng Icelanders ang kanilang FIBA Europe debut.

Ang tatlong koponan ay kasama sa 24-team draw na kinabibilangan din ng Spain, Ukraine, France, Slovenia, Croatia, Lithuania, Serbia, Finland, Greece, Turkey, Latvia, Israel, Bosnia and Herzegovina, Belgium, Georgia, Czech Republic, Germany, Poland, Macedonia, Italy at Russia.

Dalawang tiket ang paglalabanan ng mga koponan para sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Hindi ikinukunsiderang malalakas na koponan ang Estonia, Netherlands at Iceland, ngunit inaasahang makakatulong sa preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Championships sa Changsa, China.

Kabuuang 14 laro ang gagawin ni Andray Blatche at ng Gilas  Pilipinas bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa FIBA Asia.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang Estonia sa EuroBasket sa loob ng 14 taon, habang nakapasok sa torneo Netherlands matapos ang 26 taon.

Ipaparada ng Estonia ang anim na players na may taas na higit sa 6-foot-8 sa katauhan nina Siim Sander Vene, Kristjan Kitsing, Joosep Toome, Janar Talts, Rain Raadik at Reinar Hallik.

Noong 1936 Olympics sa Berlin ay tinalo ng Pilipinas, binubuo nina Charles Borck, Jacinto Ciria Cruz, Franco Marquicias, Primitivo Martinez, Jesus Marzan, Amador Obordo, Bibiano Ouano, Ambrosio Padilla at Fortunato Yambao, ang Estonia, 39-22, sa third round ng torneo.

Itatampok naman ng Netherlands, may 15 EuroBasket appearances at isang World Cup stint, sina 6-foot-11 centers Roeland Schaftenaar, Nicolas de Jong at Henk Norel. Ipaparada naman ng Iceland si 7-foot-2 giant Rag­nar Agust Nathalaelsson.

Umaasa si coach Tab Baldwin na makukuha ng Gilas ang kanilang pamatay na porma sa Estonia bago sumabak sa Jones Cup sa Taipei sa Aug. 29-Sept. 6.

AGUST NATHALAELSSON

AMADOR OBORDO

AMBROSIO PADILLA

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

BIBIANO OUANO

BOSNIA AND HERZEGOVINA

CHARLES BORCK

CROATIA

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with