^

PSN Palaro

PBA coaches kikilatisin ang mga rookie applicants

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang dalawang inaasahang top pick sa darating na 2015 PBA Rookie Draft ay hindi matutunghayan sa Gatorade Draft Combine na nakatakda ngayon at bukas sa Hoops Center sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Sina Fil-Tongan Moala Tautuaa at National University star Jeth Troy Rosario ay nakasama ng Gilas Pilipinas sa pagbiyahe noong Lunes ng gabi patungong Estonia para sumabak sa isang mini tournament.

“I found out (Sunday night) that I was going (to Estonia with Gilas),” sabi ng  6-foot-7 na si Tautuaa. “I asked if I could come back just for the Draft.”

Pumayag si Tautuaa na maging back-up player ng Gilas Pilipinas matapos magkaroon ng MCL injury sa tuhod si Kelly Williams at tumanggi namang maglaro sina back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, LA Tenorio at Marc Pingris.

Sa Estonia ay makaka­harap ng Gilas ang mga koponan ng Iceland, Estonia at Netherlands.

Sa Gatorade Draft Combine na nakatakda sa alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ay ipapakita ng 62 pang aplikante ang kanilang mga kondis­yon at husay sa harap ng 12 PBA coaches na pipili para sa 2015 Rookie Draft na nakatakda sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

“This undertaking is a must for all applicants so I hope everyone will be there. For the coaches, this gives them the chance to assess their prospects for Sunday’s Draft,” sabi ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Sa Day 1 ay hahatiin sa dalawang grupo ang mga players na sasailalim sa Anthropometry (kasama rito ang basic measurement kagaya ng height, weight at arm span), Functional Movement Screen (tumutukoy sa mo­vement patterns, limitations, tightness at muscle weaknesses), Single Leg Hop Test (tumutukoy sa injury risk) at Performance Test (sumusukat sa skills katulad ng agility, speed, endurance at strength).

Itatampok naman sa Day 2 ang isang mini-tournament kung saan igu­-grupo ang mga players sa walong koponan na ga­gabayan ng mga PBA assistant coaches.

Ang magkakampeon ang tatanggap ng prem­yong P50,000.

ACIRC

ANG

COMMISSIONER CHITO NARVASA

DRAFT COMBINE

FUNCTIONAL MOVEMENT SCREEN

GILAS PILIPINAS

HOOPS CENTER

JETH TROY ROSARIO

KELLY WILLIAMS

MANDALUYONG CITY

MARC PINGRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with