^

PSN Palaro

Cruz dinala ng Painters sa Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 6-foot-6 back-up center at second-round pick sa 2015 PBA Rookie Draft.

Ito ang kapalit ni Jervy Cruz ng Rain or Shine sa Globalport sa naging ka­sunduan ng dalawang koponan kahapon para sa darating na 41st season ng PBA.

Sa pagbibigay ng Elasto Painters sa 6-foot-4 na si Cruz ay makukuha nila mula sa Batang Pier si 6’6 Jewel Ponferada at isang second-round pick sa 2015 PBA Rookie Draft.

Ang pag-apruba lamang ng bagong PBA Commissioner na si Chito Narvasa ang kailangan para maselyuhan ang trade ng Rain or Shine at Globalport.

Makakasamang muli ni Cruz, ang No. 4 pick noong 2009 PBA Draft, ang dati ni­yang coach sa UST Tigers na si Pido Jarencio sa tropa ng Batang Pier.

Isa si Cruz sa mga nagbida para sa paghahari ng Tigers ni Jarencio sa UAAP Fi­nals laban sa Ateneo BLue Eagles ni Norman Black noong 2006.

Sa kanyang limang taon sa Elasto Painters ay nagposte si Cruz ng mga averages na 6.3 points at 4.8 rebounds at naibilang siya sa PBA All-Rookie Team noong 2010 at hinirang na Mr. Quality Minutes noong 2013.

ACIRC

ALL-ROOKIE TEAM

BATANG PIER

CHITO NARVASA

CRUZ

ELASTO PAINTERS

GLOBALPORT

JERVY CRUZ

JEWEL PONFERADA

MR. QUALITY MINUTES

NORMAN BLACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with