^

PSN Palaro

Pinoy para triathletes mapapalaban sa mga dayuhan

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatangka ang anim na para triathletes ng bansa na maigupo ang hamon ng mga dayuhan sa paglarga ng ASTC ParaTriathlon Championships (APC) 2015 sa Linggo sa Subic Bay Freeport.

Ang mga panlaban ng Pilipinas sa iba’t-ibang ka­tegorya ay sina Sixto Ducay, Godfrey Taberna, Arnel Aba, Andy Avellana at ang kambal na sina Joshua  at Jerome Nelmida.

Ang torneo na inorga­nisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at may basbas ng Asian Paralympic Committee at Philspada ay isang qualifier para sa 2016 Rio Paralympics na kung saan ang triathlon ay isang demo sport.

May kaakibat na puntos ang ibibigay sa puwesto na tinapos ng isang kalahok  at magagamit nila ito para tumaas ang rankings sa hangaring makasali sa Rio Games.

Ang distansya ng kompetisyon ay 750mswim, 18k bike, 5k run at ang mga susukat sa panlaban ng Pilipinas ay mula sa mga bansang Japan, Malaysia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Hong Kong at Korea. Suportado pa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Tourism Department, Philippine Sports Commission (PSC), ASTC, Asian Centre for Insulation Philippines, Gatorade, SPEEDO, Philippine Olympic Committee at Standard Insurance ang mga kategoryang paglalabanan ay sa men’s at women’s Tri1, Tri2, Tri3, Tri4 at Tri5.

Inaasahang malaki ang laban para sa ginto nina Aba at Avellana dahil ang tanging katunggali nila ay ang Hapon na si Kenshiro Nakayama sa Men’s Tri2 habang sina Ducay at Taberna ay mapapalaban sa Men’s Tri4 dahil sa paglahok ng tig-dalawang Japanese at Koreans athletes.

ACIRC

ANDY AVELLANA

ANG

ARNEL ABA

ASIAN CENTRE

ASIAN PARALYMPIC COMMITTEE

GODFREY TABERNA

HONG KONG

INSULATION PHILIPPINES

JEROME NELMIDA

KENSHIRO NAKAYAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with