Narvasa gagamit ng kamay na bakal sa PBA
TOKYO--“I will put order in the court.”
Inulit ang sinabi ng kanyang amang si Supreme Court Chief Justice Andres Narvasa, nangako si bagong PBA Commissioner Chito Narvasa na ilalagay niya sa kaayusan ang game officiating sa pro league simula sa Season 41 na magbubukas sa Oct. 18 sa Smart Araneta Coliseum.
“I will be fair but I will also be firm,” wika ni Narvasa, ang pang-siyam na PBA Commissioner matapos sina Leo Prieto, Mariano Yenko, Rudy Salud, Rey Marquez, Jun Bernardino, Noli Eala, Sonny Barrios at Chito Salud.
Bilang bagong PBA commissioner, inilulok ni Narvasa si Rickie Santos bilang deputy commissioner at si Pacita Dobles bilang executive assistant.
Ang unang dating player at coach na hinirang sa PBA commissionership, umaasa si Narvasa na mabibigyan niya ng kaayusan ang playing court sa pamamagitan ng mga patakaran na kanyang ipapatupad kasama ang mga PBA coaches.
“It’s not me alone. The coaches, the players and teams will be more involved. How it’s going to be done? We have plans. I will explore that with the coaches,” ani Narvasa.
Ang basic officiating guideline na nasa isip ni Narvasa ay ang pagdedesisyon ng mga referees sa laro.
Kumpiyansa si Narvasa na mababawasan ang reklamo ng mga coaches ukol sa officiating.
“If we agree on something to help each other, (complaining) will be much less. You’ll see the effort on my part. If you see that effort is not enough, just let me know. Let’s help each other. You help me and I will help you. Eventually that will be addressed,” ani Narvasa, na dating Ateneo stalwart na may PBA coaching stints sa Shell at Purefoods.
- Latest