Batucan, Yulo kampeon sa Shell-Davao chessfest
MANILA, Philippines – Inangkin ni top seed John Ray Batucan ang seniors crown, habang hinirang si 10th ranked Adrian Yulo na solo champion sa juniors play sa 23rd Shell National Youth Active Chess Championship Southern Mindanao leg sa SM Davao City, Event Center sa Davao.
Winalis ni Batucan, isang University of Mindanao standout, ang kanyang huling tatlong laro, kasama rito ang ninth round win kay Kenneth Tabada, para makatabla sa unahan sina Xavier University bet Norman Honculada at dating solo leader Earl John Zamora ng Agusan Institute of Technology sa magkakatulad nilang 7.5 points.
Ngunit ibinigay kay Batucan ang korona bunga ng kanyang superior tiebreak score, habang pumangalawa si Honculada para kunin din ang tiket sa national finals na nakatakda sa Sept. 19-20 sa SM Megamall.
Dumalo sa awards rites sina Shell Social Investment manager Melanie Bularan, Shell project coordinator Mara Villanueva, Shell Sasa Terminal Operations administrator Romulo Agoto Jr. at Ingrid Vargas, ang Shell Commercial Fuels account manager for Southern Mindanao.
- Latest