Bryant magreretiro matapos ang season
LOS ANGELES - Ipinahiwatig ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant na ang darating na season ang maaaring maging huli na niyang taon sa NBA.
Ang mga nakaraang seasons ni Bryant ay hindi nakumpleto dahil sa mga injuries.
Para sa darating na season ay sinabi ni Bryant na maganda ang kanyang kondisyon at handang tulungan ang Lakers na makapasok sa playoffs.
“We haven’t set anything in stone. And I’ve talked about it before,” sabi ni Bryant.
“It’s tough to decide. It’s really tough to make those types of decisions. Players I have spoken to say, ‘Kobe, you will know.’”
Tiniyak ni Bryant na handa ang kanyang katawan na sumuong sa mabibigat na training at sa mismong aktuwal na kampanya ng Lakers.
“There are no question marks on what I can do (physically),” wika ng 17-time All-Star. “My body and my legs feel extremely strong and healthy.
Sinabi ni Bryant na ihahayag niya ang kanyang magiging desisyon matapos ang season.
- Latest