^

PSN Palaro

Diaz ipipilit ng POC sa 2016 Olympics; Cray at Caluag patuloy na susuportahan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gusto ng mga sports officials na ipadalang muli sa ibang bansa si Hidilyn Diaz para mapalabas ang po­tensyal nitong manalo sa 2016 Olympic Games.

Beterana ng Beijing at London Olympics, si Diaz ay bumaba ng timbang at ngayon ay kumakampanya sa 53 kilograms na pinaniniwalaang magiging palaban para sa gintong medalya sa 2016 Rio Olympics.

“Nag-usap na kami ni PSC chairman (Ricardo) Gar­cia and as much as pos­sible ay ipadadala natin siya sa ibang bansa ay do­on na siya hanggang sa mag­simula ang Olympics,” wika ni POC president Jose Cojuangco Jr.

Nagwagi si Diaz sa South­east Asian Weightlif­ting Championship sa Thai­land noong Hunyo sa 213-kilogram marka.

Kung ito ay ihahambing sa resulta sa London Olympics, siya ay nasa ikaapat na puwesto kasunod nina Chinshanlo Zulfiya ng Kazakhstan (226kg), Hsu Shu Ching ng Chinese-Taipei (219kg.) at Iovu Cristina ng Moldova (219kg).

“Naniniwala ako na hindi pa naaabot ni Hidilyn ang kanyang true potential kaya talagang ito­todo na natin ito hanggang sa matapos,” dagdag ni Co­juangco.

Suportado ito ni Garcia na idinagdag pa na tutukan din ang preparasyon nina Fil-Ams Eric Cray at Daniel Caluag na puwedeng ma­nalo sa 400m hurdles sa athletics at BMX events.

Si Cray ang kauna-una­hang atleta ng Pilipinas na nakapasok sa Rio Games, habang inaasahang susu­nod si Caluag na isang In­­cheon Asia Games at Singapore SEA Games gold medalist bukod sa be­terano ng London Olympics.

“We are waiting for their coaches’ proposal as far as their training is concern. But one thing is sure, we will ex­pose them to as many tour­naments as possible with­out hampering their phy­sical strength,” wika ni Gar­cia.

ACIRC

ASIA GAMES

ASIAN WEIGHTLIF

CHINSHANLO ZULFIYA

DANIEL CALUAG

DIAZ

FIL-AMS ERIC CRAY

HIDILYN DIAZ

HSU SHU CHING

LONDON OLYMPICS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with