Good luck
Now you see them, now you don’t.
Sa iba’t ibang dahilan ay isa-isang umurong ang mga PBA superstars para sa darating na FIBA Asia Championship sa Changsha, China, sa September.
Injured daw si June Mar Fajardo. Umayaw naman si LA Tenorio dahil hindi raw siya 100 percent ngayon. Si Marc Pingris naman ay nasa France kasama ang pamilya at nagbabakasyon.
Umayaw na rin si Japeth Aquilar. Bali raw ang daliri. Nangayaw na rin si Marcio Lassiter. At wala na rin si Paul Lee dahil isa lang ang gustong ipahiram ng Rain or Shine.
Pinili ni GilasPilipinas head coach Tab Baldwin si Gabe Norwood ng Rain or Shine.
Alam naman nating lahat na retired na si veteran point guard Jimmy Alapag.
Hindi natin alam kung malinis ang mga dahilan na binigay ng mga players o pinigilan sila ng mga mother teams nila sa PBA.
Lalaruin ang FIBA Asia sa Sept. 23 hanggang Oct. 3 sa China, samantalang ang next PBA season ay magsisimula ng Oct. 18.
Sakto lang sana pero wala eh.
Kaya heto at naglabas na ng listahan si coach Tab ng 16 players na pinangungunahan nina Jayson Castro, Calvin Abueva, Gary David, Terrence Romeo at Ranidel de Ocampo.
Isinama rin sina Matt Ganuelas-Rosser, Sonny Thoss, JC Intal, Aldrech Ramos, Dondon Hontiveros at si kuya Asi Taulava.
Nasa listahan pa rin naman si Fajardo, Tenorio at Pingris.
Ang sabi ng PBA teams nila, depende na sa player mismo kung gusto nilang maglaro o hindi.
Nandiyan si Andre Blatche, ang naturalized player natin, pero mukhang galing sa bakasyon.
Malaki ang tiyan.
May dalawang buwan pa naman para magbawas siya ng timbang. Kung hindi ay baka hindi siya makatakbo sa China.
Malabnaw ang sabaw.
- Latest