Karatekas hahataw sa 2017 SEAG
MANILA, Philippines – Apat na gintong medalya ang kinolekta ng Philippine karatedo team sa nakaraang Thailand Open.
Umaasa ang mga opisyales ng koponan na madadala nila ito sa 29th Southeast Asian Games sa 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Si veteran Mae Soriano ang bumandera sa kampanya ng mga karatekas sa Thailand Open, habang tatlong junior athletes ang nag-ambag ng gold medal.
Hindi isinama ang karate sa calendar of events ng nakaraang SEA Games sa Singapore.
“We’re targeting Malaysia (SEA Games),” sabi ni Philippine Karatedo Federation (PKF) secretary-general Raymond Lee kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate. “We hope to at least win three gold medals in Kuala Lumpur.”
Dahil sa pagtatanggal ng karate event sa Singapore SEA Games ay napilitan si Iranian coach Ali Parvinfar na isabak ang koponan sa Thailand Open.
Kabuuang 4 gold, 8 silver at 12 bronze medals ang nahakot ng mga Pinoy karatekas sa naturang torneo na nilahukan ng 30 bansa.
- Latest