^

PSN Palaro

Kobe Paras umagaw ng eksena sa US

JVillar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unti ay gumagawa ng pangalan si Kobe Paras sa United States.

Ito ay kanyang ipinakita sa katatapos na 2015 Adidas Global Nations camp sa Long Beach, California.

Sa kabila ng kabiguan ng kanyang Team Nations sa lahat ng tatlong laro nito, naglista naman ang 6-foot-7 na si Paras ng mga ave­rages na 14 points (second best), 3.3 rebounds at 1.3 assists sa 27.3 minutes per game.

Ang pinakaimpresibong laro na ipinakita ni Paras ay sa kanilang 68-117 kabiguan sa Team Latin America.

Sa naturang laro ay ku­mamada si Paras ng team-best na 21 points.

Humablot din ang anak ni PBA great Benjie Paras ng 6 rebounds at 2 steals sa loob ng 31 minutong pag­lalaro.

Nagtala naman si Sa­cha Killeya-Jones ng ave­rage na 14.7 points per outing.

Si Killeya-Jones ay ang No. 51 sa mga best high school players sa US sa ka­salukuyan.

Wala naman sa nasabing listahan si Paras.

Kaya naman pinag-u­u­sapan ngayon sa US ang ipinamamalas na laro ni Paras.

Isa na sa naunang nakapansin sa husay ni Paras ay si Denver Nuggets head coach Brian Shaw.

“Right now, there’s a lot of buzz on a young player who’s gonna be attending the UCLA next year. He’s Kobe Paras,” sabi ni Shaw, nanalo ng NBA championships sa Lakers, sa kanyang NBA Fit clinic at the Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.

“I’ve watched some vi­deos of his AAU (American Athletic Union) games and I’ve heard a lot about him. I know he has a good size. He’s 6-7 and has done well in some of the camps, the games and the tournament he’s played in. I know he still has one year left in high school so I’m looking forward to see him play in UCLA and see how he does there,” dagdag pa ni Shaw kay Paras.

 

ACIRC

ADIDAS GLOBAL NATIONS

AMERICAN ATHLETIC UNION

BENJIE PARAS

BRIAN SHAW

DENVER NUGGETS

GATORADE HOOPS CENTER

KOBE PARAS

LONG BEACH

PARAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with