^

PSN Palaro

Lady Tams patuloy ang ratsada sa Group A

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginamit nang husto ng FEU Lady Tamaraws ang la­kas sa pag-atake para trangkuhan ang 25-20, 25-20, 25-19 panalo laban sa UP Lady Maroons sa Sha­key’s V-League Season 12 Collegiate Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Jovelyn Gonzaga at Toni Rose Basas ay tuma­pos taglay ang 19 at 11 pun­tos at nagsanib sa 24 attack points na mas mataas sa 23 ng Lady Maroons.

Maliban sa dominasyon sa kills (46-23), nangibabaw din ang Lady Tamaraws sa serve, 8-3, at si Remy Palma ay may tatlong aces.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng nagdedepensang FEU sa Group A at kailangan na lamang  nila na manaig pa sa National Uni­versity Lady Bulldogs upang makumpleto ang sweep sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang baguhang si Isabel Molde ang nanguna sa UP sa kanyang siyam na attack points.

Mabangis pa rin ang atake at blocking ng UST Tigresses para pabagsakin ang TIP Lady Engineers, 25-16, 25-19, 24-26, 25-14, sa ikalawang laro.

May 18 puntos si Ennajie Laure na nagmula sa 16 kills at dalawang blocks para pangunahan ang 49-32 bentahe sa attack points at 11-3 sa blocks para sa pag­sungkit sa quarterfinals seat sa Group B.

Nagulo ang paghahabol para sa huling dalawang tiket dahil ang TIP ay may 1-3 karta kagaya ng San Sebastian at La Salle-Dasma.

ACIRC

ANG

COLLEGIATE CONFERENCE

ENNAJIE LAURE

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

ISABEL MOLDE

LA SALLE-DASMA

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with