LVPI kinilalang NSA ng volleyball sa bansa ng POC
MANILA, Philippines - Ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) na ang opisyal na National Sports Association (NSA) sa volleyball.
Ito ay nangyari nang ibigay ng Philippine Olympic Committee (POC) ang rekognisyon sa LVPI na pinangungunahan ng pangulong si Jose Romasanta na siya ring vice president ng POC.
Ginawa ito sa POC General Assembly noong Miyerkules sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City at nangyari ito dahil sa naunang rekognisyon na ibinigay ng FIVB sa isang pagpupulong noon pang Mayo 12.
Si FIVB president Ary Graca ang siyang nagpadala ng liham noong Mayo 18 para sabihin na ang LVPI ang “legitimate and exclusive authority, under the leadership of its President, Mr. Jose Romansanta and its Secretary General Mr. Ricky Palou, to govern Volleyball and Beach Volleyball in the Philippines.”
Binigyan din ng puntos ng POC ang pagbubuo ng LVPI ng koponan na isinali sa mga kompetisyon sa ibang bansa, tampok na rito ang men’s at women’s team na naglaro sa SEA Games sa Singapore noong Hunyo.
Makakagalaw na ang LVPI para maisulong ang mga programa na nakabitin.
- Latest