Don’t panic
Palapit na nang palapit ang 2015 FIBA Asia Championship pero hanggang ngayon ay hindi pa buo ang Philippine team na lalahok dito.
Sa Sept. 23 hanggang Oct. 3 ang labanan sa Changsha, China kung saan ang kampeon ay diretso ang punta sa 2016 Rio Olympics.
Mabigat ang laban.
Kailangang talunin ng Gilas ang mabibigat na team kagaya ng Iran, ang defending champion, China at Korea para mag-qualify tayo sa Olympics.
Martial Law pa nu’ng 1972 nang huli tayong makapagpadala ng team sa Olympics.
Hindi naman ito ‘Mission Impossible’. Kaya nga lang eh sana naman ay mabuo na ang team para naman makapag-ensayo na sila nang husto.
Binubuo pa lang ang team ay may ugong kasi na ilan sa mga players na gusto ni coach Tab Baldwin ay hindi puwede sa China.
May injury ang isa, out of the country ang isa at ang iba naman ay mukhang ayaw or ayaw payagan ng PBA teams nila.
Madami nang lumutang na pangalan at natural na pinangungunahan ito ni Andre Blatche.
Hot na hot din sa listahan sila June Mar Fajardo, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro, Paul Lee, Jeff Chan, Gabe Norwood, Marc Pingris, LA Tenorio, Marcio Lassiter, Kelly Williams, Calvin Abueva o kaya ay si Terrence Romeo.
Ilan sa kanila ay hindi puwede kaya hindi mabuo-buo ang team.
Sa mga susunod daw na araw ay malalaman na ang final lineup. Diskarte ni coach Tab ang pagpili ng player kaya abangan na lang natin.
Baka may ibang hugot na ikakagulat natin pero bahala na sila.
Ang importante ay mabuo na ang team.
As soon as possible.
- Latest