^

PSN Palaro

Bulldogs, Wildcats asam ang quarters

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang upuan sa quarterfinals ang paglalabanan ng National University Bulldogs at NCBA Wildcats, habang ang St. Benilde Blazers at La Salle Archers ay magbabalak sa kanilang pangalawang panalo sa Spikers’ Turf Collegiate Con­ference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang labanan ng Bulldogs at Wildcats ay mangyayari sa alas-3 ng hapon at ang magwawagi ay ma­kakasalo ng walang talong Emilio Aguinaldo College Generals sa quarterfinals bitbit ang 3-0 karta.

Ang UAAP champion Ateneo Eagles ay pasok na rin sa quarterfinals mula sa 3-0 karta sa Group B.

Ipaparadang muli ng Bulldogs ang galing nina Fauzi Ismail at Bryan Bagunas pero may pantapat ang Wildcats sa katauhan ng mga guest players na sina Edwin Tolentino at Reyson Fuentes.

Sina Tolentino at Fuentes ay mga dating manla­laro rin ng Bulldogs at ang kaalaman sa kilos ng mga katunggali ay maaaring ma­ging bentahe para sa Wildcats.

Samantala, lalapit pa ang St. Benilde at La Salle sa puwesto sa susunod na yugto sa pag-asinta ng panalo sa hiwalay na laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang Blazers at Chiefs ay magtutuos sa ganap na ala-1 ng hapon, habang ang tagisan ng Green Archers at Patriots ay sa alas-5.

Kung magwawagi ang Blazers at ang Green Archers ay sasaluhan nila sa panga­lawang puwesto ang pahingang UP Maroons na  natalo via straight sets sa Blue Eagles noong nakaraang Huwebes.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BLAZERS

ATENEO EAGLES

BLUE EAGLES

BRYAN BAGUNAS

EDWIN TOLENTINO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FAUZI ISMAIL

GREEN ARCHERS

GROUP B

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with