^

PSN Palaro

Manila South asam ang korona ng World Series

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinikwat ng Blu Girls ang gintong medalya sa women’s softball event ng nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit kumpiyansa si head coach Ana Santiago sa tsansa ng Manila South team para sa korona ng 2015 Big League Softball World Series na papalo sa Agosto 2-9 sa Sussex Country, Delaware.

“I think malaki ang chance nating makapasok sa finals kasi ilan sa mga players ng team ay kasama sa Blu Girls na kumuha ng gold medal sa Singapore Southeast Asian Games,” sabi kahapon ni Santiago.

Ang mga miyembro ng Blu Girls na kabilang sa Manila South team ay sina Florabelle Fabiano, Celestine Palma at Shaira Damasing at ang mga top pitchers na sina Mary Ann Antolihao at Laica Basa.

Makakatuwang nila ang ilang players mula sa five-peat UAAP queen Adamson (10), Santo Tomas (3), National University (3) at University of the East (2).

Sinabi pa ni Santiago na ang host Michigan, California at Puerto Rico ang maaaring magbigay sa kanila ng mabigat na laban.

Umalis na kahapon ang mga Pinay softbelles, inihanay sa Pool B ng kompetisyon,  at kaagad na sasagupa sa USA West sa Agosto 3 kasunod ang Canada sa Agosto 4, ang USA Southeast sa Agosto 5 at ang USA Central sa Agosto 6.

vuukle comment

AGOSTO

ANA SANTIAGO

ANG

BIG LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

BLU GIRLS

CELESTINE PALMA

FLORABELLE FABIANO

LAICA BASA

MANILA SOUTH

MARY ANN ANTOLIHAO

NATIONAL UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with