^

PSN Palaro

Viloria pinabagsak agad si Soto

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong beses na pinatumba ni Brian “Hawaiian Punch” Viloria si Omar Soto ng Mexico tungo sa magarang first round knockout panalo kahapon sa Florentine Gardens sa Hollywood, California.

Itinigil ni referee Za­chary Young ang one-sided na labanan sa 2:02 ng unang round nang tumiklop sa ikatlong pagkakataon si Soto mula sa body at left hook sa ulo ni Viloria.

Ang dalawang naunang pagbulagta ng 35-anyos na Mexicano ay nangyari dahil sa mga kaliwa mula sa dating light flyweight at flyweight champion.

Ito ang unang laban ni Viloria sa taong 2015 at nailista niya ang ikaapat na sunod na panalo matapos mahubad sa kanya ang dating hawak na WBA/WBO flyweight title ni Juan Francisco Estrada noong Abril 6, 2013.

Aangat ang baraha ni Viloria sa 36 panalo sa 40 laban at may 22 KOs.

Ito rin ang kanyang ikalawang panalo kay Soto na tinalo niya sa mas dikitang split decision sa unang pagtutuos noong Hulyo 10, 2010 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bagamat impresibo ang panalo ay masasabing hindi nasukat ang tibay ni Viloria dahil ang kalaban ay wala sa kondisyon.

Isang taon na napa­hinga si Soto at bago gina­wa ito ay lumasap siya ng tatlong sunod na talo, ang huling dalawa ay sa  bisa ng TKO, noong 2013.

Ito na ang ika-12 pagkatalo ni Soto sa 37 laban.

ACIRC

ANG

FLORENTINE GARDENS

HAWAIIAN PUNCH

ITO

JUAN FRANCISCO ESTRADA

OMAR SOTO

PASIG CITY

SOTO

VILORIA

YNARES SPORTS ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with