Pason, Ibaoc kampeon sa Shell-Mindanao Chessfest
MANILA, Philippines - Winalis ni top seed Allan Pason ang huli niyang apat na laban, kasama rito ang seventh round victory kay solo leader Albert Diolola Jr., para kunin ang seniors crown, habang sinikwat ni No. 7 Tristan Ibaoc ang juniors title sa 23rd Shell National Youth Active Chess Championship Northern Mindanao leg sa SM CDO City Event Center sa Cagayan de Oro noong Linggo.
Tumapos si Pason ng Univ. of San Jose-Recoletos na may 8.0 points sa 17-20 age division ng two-day tournament na nagsilbing ikatlong qualifying leg ng nationwide talent search na itinataguyod ng Pilipinas Shell.
Tinalo ni Pason si Rowena Padro ng Univ. of San Carlos sa sixth round at isinunod sina Diolalo, Alvin Acas at Kenneth Tabada.
Pumangalawa naman si second seed Diego Caparino-Claro, binigo sina Diolola, Harold Taganas at Keith Ibaoc, ng Univ. of Cebu sa kanyang 7.5 points.
Dahil sa panalo nina Pason at Caparino-Claro ay nakamit nila ang dalawang tiket para sa national finals sa Setyembre.
Dumalo sa awards rites sina Shell Social Investment manager Jackie Ampil, Shell project coordinator Mara Villanueva, Shell NMIF project engineer Jennifer So at Shell field based account manager-specialties Mikaela Lacaba.
- Latest