^

PSN Palaro

56 Pinoy jins sisipa sa Asian Junior Taekwondo Championships

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpapadala ang Phi­lippine Taekwondo Association (PTA) ng 56 jins para sa 2015 Asian Junior Taek­wondo Championships mula Abril 11 hanggang 17 sa New Taipei City, Taiwan.

May 34 manlalaro sa men, women, boys at girls ang sasali sa junior at Cadets divisions sa kyorugi (sparring) na suportado ng Meralco at MVP Sports Foundation habang 20 pa ang lalaban para sa junior at Cadets sa poomsae (forms) na may ayuda ng PLDT Home BRO at MVP Sports Foundation.

May dalawa pang manlalaro edad 17 hanggang 19 ang isasali sa Para event.

May anim na coaches at tatlong international refe­rees pa ang kasama sa delegasyon na suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Smart Communications Inc., PLDT at Milo.

Tinatayang nasa 35 bansa ang sasali at kabilang dito ay ang Korea, China, Iran, Chinese Taipei, Vietnam, Indonesia at Thailand.

Hanap ng Pambansang delegasyon ang mahigitan ang dalawang ginto, isang pilak at limang bronze me­dals sa 2013 edisyon sa Jakarta, Indonesia.

Gagamitin ng PTA ang kompetisyong ito bilang paghahanda para sa mas malalaking torneo tulad ng Korea Open sa Hulyo at ang World Cadet Cham­pionships sa Agosto sa Muju, Korea.

ACIRC

ANG

ASIAN JUNIOR TAEK

CHINESE TAIPEI

KOREA OPEN

NEW TAIPEI CITY

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SMART COMMUNICATIONS INC

SPORTS FOUNDATION

TAEKWONDO ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with