DepEd kumbinsido sa hosting ng Davao sa Palaro sa Mayo
TAGUM City, Philippines -- Kumbinsido ang Department of Education (DepEd) na magiging matagumpay ang pamamahala ng host Davao del Norte sa 2015 Palarong Pambansa sa Mayo 3-9.
Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, ang pangangasiwa ng Davao del Norte ang magiging benchmark para sa mga susunod na Palarong Pambansa.
“We were not harassed for this Palarong Pambansa 2015. Way ahead of schedule, there’s been no rushing on the part of the hosts,” wika ni Luistro sa official launch ng 2015 Palarong Pambansa sa Bulwagan ng Lalawigan ng Davao del Norte provincial capitol kamakalawa.
“We are looking at this year as the standard or benchmark for succeeding Palaro,” dagdag pa ng DepEd official kasama si Palarong Pambansa secretary general Undersecratary Tony Umali.
Inilunsad din ang DavNor Palaro website (www.davnorpalaro2015.com), ang games official music video at ang komprehensibong 64-page guidebook para sa detalye ng mga laro kagaya ng billeting venues, transportation, medical assistance, communications, tourism, security at iba pa.
“It is the privilege of our province to host the Palarong Pambansa 2015, an opportunity that we finally grasped after years of thorough planning and persistence,” sabi ni Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario.
“This is our time to prove that we have the capacity to host a prestigious national event worthy of being called ‘The Best Palaro Ever,” dagdag pa nito.
Tinalakay din ang technical congress, isang executive meeting ng 17 regional directors ng DepEd at ang pagbisita sa mga competition venues at billeting facilities.
- Latest