Knockout
Kumalat ang tsismis kahapon na tumumba raw si Floyd Mayweather Jr. sa sparring laban kay Zab Judah.
Gaya ng nasabi ko, tsismis.
Mahirap paniwalaan dahil walang katibayan. At kung sakaling nangyari nga ito ay sisiguraduhin nilang hindi ito kakalat.
Ayon nga sa balita, tinamaan daw ni Judah si Mayweather ng isang solid na suntok sa katawan at tumumba raw ito.
Matagal nga raw nakatayo at kung actual na laban ito ay knocked out na siya.
Naglaban nung 2006 si Mayweather at Judah at doon nakita ng karamihan na hirap nga si Mayweather sa mga kaliwete.
Gaya ni Pacquiao.
Tumama si Judah ng isang right hook sa ulo ni Mayweather at sa kanyang pag-atras ay dumampi ang kanan na gloves niya sa lona.
Knockout dapat pero mabilis ang referee na si Richard Steele na nagsabing nadulas lang si Mayweather.
Mukhang inalalayan ng referee si Mayweather.
Magaling si Steele na referee pero dahil sa insidenteng ito ay ayoko siyang maging referee sa laban ni Pacquiao at Mayweather sa Mayo 3 sa Las Vegas.
Isa si Judah sa maraming sparring partners ni Mayweather ngayon dahil magaling nga na kaliwete.
Pero malayo si Judah kay Pacquiao sa bilis at lakas.
Kaya kung nung 2006 ay napatumba ni Judah si Mayweather, naniniwala akong kayang patumbahin ni Pacquiao ang American boxer.
Hindi pa nakakatikim si Mayweather ng suntok na kasing-lakas ng suntok ni Pacquiao.
At hindi ito tsismis.
- Latest