Juico opisyal na ang pagiging PATAFA chief
MANILA, Philippines – Pormal nang iniluklok si dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Philip Ella Juico bilang presidente ng Philippine Amateur Track and Field Association kahapon.
Kaagad na sasabak sa trabaho si Juico para sa kanyang mga plano sa athletics association na inaasahang makakakuha ng full recognition mula sa Philippine Olympic Committee matapos dumalo si POC first vice president Joey Romasanta sa kanilang eleksyon bilang observer.
Tinalakay ni Juico ang pagbabago sa structural setup ng asosasyon sa idinaos na board meeting at general assembly sa Orchid Suites sa Vito Cruz, Manila.
Plano rin ni Juico na palitan ang Philippine Amateur Track and Field Association sa Philippine Athletics Track and Field Association.
Ang PATAFA, ayon kay Juico, ay hindi lamang para sa mga collegiate athletes kundi maging sa professional at semi-pro athletes.
Inihalal si Dagupan City Mayor Alipio Fernandez bilang Chairman, habang si Nicanor Sering ang tatayong vice president at si Lucy Artiaga ang treasurer.
Si Maricor Pacheco ang magiging treasurer at si Jeanette Obiena ang auditor.
Itinalaga naman si Go Teng Kok, pinalitan ni Juico bilang presidente, sa nine-man board of directors kasama sina Benjamin Espiritu, Agapito Capistrano, Dato Yusuph Nana, Felix Tiukinhoy, Cai Yong Bang, Chan Teng Young, Chua Pio at Misamis Oriental Cong. Rufus Rodriguez.
Nanatili si Renato Unso bilang secretary general, habang si Atty. Aldrin Cabiles ang bagong legal counsel at si Edward Kho ang mamamahala sa PR at marketing affairs. (RC)
- Latest