Beermen, Energy iiwas malagay sa alanganin
Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Barako Bull vs NLEX
7 p.m. Globalport vs San Miguel
MANILA, Philippines – Mula sa 0-3 panimula ay ang NLEX ngayon ang pinakamainit na koponan sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.
Sumasakay sa kanilang five-game winning streak, sasagupain ng Road Warriors ang Barako Bull Energy ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng San Miguel at Globalport sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Dahil nakamit na ng No. 1 Rain or Shine at No. 2 Talk ‘N Text ang dalawang ‘twice-to-beat’ incentive at napasakamay ng nagdedependang Purefoods ang No. 3 spot, ang pag-angkin na lamang sa No. 4 seat sa quarterfinals ang pupuntiryahin ng NLEX.
Sa tournament format, lalabanan ng No. 1 at No. 2 teams, hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage, ang No. 8 at No. 7 ayon sa pagkakasunod, habang magsasagupa sa magkahiwalay na best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.
Huling naging biktima ng Road Warriors ang Kia Carnival, 102-86, noong Marso 18 tampok ang 33 points ni import Al Thornton at 20 markers ni guard Jonas Villanueva.
“We need to stay focused. If we start making excuses, we lose,” sabi ni 6-foot-9 veteran Asi Taulava, nagdagdag ng 10 points sa naturang panalo ng NLEX.
Hangad din ng Barako Bull na makamit ang kanilang pang-limang panalo para makapasok sa eight-team quarterfinals cast.
“Right now, we need to shoot more from the outside and be better with our outside shots. Kung wala kaming outside shooting, the defense will clamp down low on (Solomon) Alabi,” sabi ni coach Koy Banal sa kanyang Energy.
Kumpara sa NLEX, binuksan ng Barako Bull ang kanilang kampanya mula sa malinis na 3-0 baraha.
Sa ikalawang laro, pipilitin ng Beermen, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, na makasilip ng tsansa sa quarterfinals sa pagsagupa sa Batang Pier.
- Latest